video tape (ví•di•ó teyp) : elektromagnetikong teyp na pinagrerekordan ng mga elektronikong impulse na likha ng mga bahaging video at audio ng isang programa sa telebisyon
video (ví•di•ó) 1: proseso ng pagrekord, pagpaparami, o pagbrodkast ng imaheng biswal sa pamamagitan ng magnetikong teyp 2: biswal na elemento ng brodkast sa telebisyon 3: video recorder 4: video film
masking tape (más•king teyp) : malapad na teyp at gamit sa pagdidikit ng malaki’t mabigat na bagay, hal pandikit sa kahong balik-bayan
video game (ví•di•ó geym) : elektronikong laro na may gumagalaw na hulagway sa iskrin ng telebisyon na nakokontrol ng manlalaro
beta tape (bé•ta teyp) : teyp ng anumang palabas na ipinapasok sa betamax upang mapanood sa telebisyon
video cassette recorder (vi•di•ó ka•sét re•kór•der) : aparato na ginagamit sa pagrerekord at pagpapatakbo ng video tape